text allan

COMPUTER REPAIR,CCTV CAMERA Remote Configuration and Port Forwarding,WEBSITE DESIGN and INTERNET CAFE SET-UP call SUN +63 0932-1712155 or GLOBE +63-0917 8358251

Tuesday, August 7, 2012

Philippine Action Movie

Nakanood ka na ba ng Pinoy action movie? Eto ang ilang palatandaan na ang pinapanood mo ay bakbakang noypi.

- Umiikot ang istorya sa paghihiganti

-  Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak niya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)

- Isa sa mga eksena e babastusin ang bida, o ang syota nya, ng mga nag-iinumang istambay.

- Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).

- Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat niya.

- Pag narinig mong tumawa ang isang character nang "bwahahahaha", automatic, kontrabida yon.

- Pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida. Kahit habang nanggagahasa.

- Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.

- Mahilig sa leather jacket ang kontrabida. Kahit buwan ng Abril at tanghaling tapat.

- Ang structure ng mga kalaban: Ang Boss at ang kanyang "mga bata."

- Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.

- Lagi ding may eksena sa isang beer house.

- May seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikwento sa Abante.

- Pagkatapos ng nagbabagang bed scene ay mahinhin ulit ang leading lady.

- Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.

- Kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang at papahirapan, dahil lagi syang gustong mahuli nang buhay ng big boss.

- Pagdating sa big boss, papatayin din sya, pinatagal lang konti.

- Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban habang nagtututukan ng baril... mahabang pag-uusap, parang balagtasan, tila baga mag-syotang nasa telepono.

- May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

- Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.

- Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

- Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

- Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa sya nakakahawak nito sa buong buhay nya.

- Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod nang sabay-sabay, laging isa-isa, parang nagsasayaw.

- Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.

- Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang... bawal sa ulo o sa puso.

- Siyam ang buhay ng bida.

- Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

- Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page na script bago malagutan ng hininga.

- Pagkatapos pakinggan ang farewell speech, titingala ang naulila at isisigaw ang pangalan ng namatay.

- Pero hindi lubusang magiging ulila ang bida dahil kadalasan itong merong spare na partner.

- Huling darating ang maraming pulis at didiretso agad sila sa pag-aresto sa mga kalaban. Oo, parang may palatandaan sila kung sino ang mga kalaban... at wala silang pakialam sa bida, kahit na sangkot ito sa riot!